Boston Celtics guard Avery Bradley (0) shoots over Washington Wizards forward Markieff Morris (5) during the first half of Game 6 of an NBA basketball second-round playoff series, Friday, May 12, 2017, in Washington. (AP Photo/Alex Brandon)

BOSTON (AP) – Sa hangaring mas mapalakas ang tsansa sa susunod na season, inilagay na rin sa trading block ng Boston si shooting guard Avery Bradley kapalit ni Marcus Morris at ng second round pick ng Detroit Pistons, ayon sa ulat nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Kinuha ng Celtics si Bradley bilang first-round pick noong 2010 at naging bahagi ng matikas na ratsada ng Boston sa pangangasiwa ni coach Brad Stevens.

Ngunit, kailangan ng Celtics na magsakripisyo para makagalaw sa kanilang salary cap matapos kunin si All-star Gordon Hayward mula sa Utah Jazz. Nauna rito, binitiwan din ng Boston si Kelly Olynyk na kinuha naman ng Miami Heat.

Human-Interest

Beking nakabuntis ng tibo, 'di apektado sa hanash ng ibang tao: 'Close ba tayo?'

Ang 26-anyos na si Bradley ay isang ‘unrestricted free agent’ sa pagtatapos ng season.

May nalalabi pang dalawang taon sa kontrata sa Pistons ang 6-7 na si Morris, may averaged 14.0 puntos at 10 rebound.