Ni REGGEE BONOAN

NAKATSIKAHAN namin si Romnick Sarmenta sa birthday celebration ng entertainment reporters na sponsored ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa Salu Restaurant nila ni Harlene Bautista sa Scout Torillo cor. Scout Fernandez Streets, Quezon City.

Napakaikli pero nagmarka nang husto ang brief exposure niya sa La Luna Sangre, maraming viewers ang nabitin, kaya inusisa namin kung bakit hindi nagtagal ang exposure niya.

ROMNICK LANG_please crop copy

Human-Interest

Ang 'conclave' at ang pagpili sa susunod na Santo Papa

Pinatay ng bampira ang karakter niya bilang si Tonio, ama ng batang Tristan, ginampanan ni Justin James Quitlang at lumaking si Daniel Padilla.

Sabi namin kay Romnick, baka buhay siya sa huli dahil parang natutulog lang naman siya na nakasandal sa bato.

Pero siya raw mismo ang nagsabing hindi niya kayang magtagal sa serye dahil gusto niyang makitang lumalaki ang kanyang mga anak.

“To give credit where is due, nagtanong kasi si Direk Cathy, sabi niya, ‘Romnick, arte ka naman!’ Sabi ko, ‘depende kung ano ang aartehan. Kaibigan ko kasi si Direk Cathy at kumare ko rin.

“Sabi niya, ‘Gusto kita para do’n sa role na ano, ‘tapos nag-usap kami. Sabi ko, ‘Alam mo, Direk I have nothing against it, pero personal conviction wise, ayokong magkapangil, ayokong magkabalahibo’. ‘Tapos sabi ni Direk Cathy, ‘Alam ko naman, puwede ba kitang gawing tatay, tao ka naman.

“’Tapos tinanong niya ako kung may mga ginagawa ako, sabi ko, negosyo ‘tapos mga anak ko, gusto ko kasing makita silang lumaki, ayokong parati akong wala sa bahay. ‘Tapos sabi niya, ‘O, sige, sandali lang.’ ‘Tapos pumayag na ako.

“Ang sarap katrabaho ni Direk Cathy at ng buong cast. In fairness, ang gaan ng pakiramdam sa set, walang problema,” kuwento ng aktor.

Hindi nakaeksena ni Romnick sina John Lloyd Cruz at Angel Locsin.

“Ang alam ko kasi nasa Bataan sila, iba-iba kami ng location, depende sa istorya.”

Ano ang reaksiyon niya sa pagbibitiw ni Direk Cathy sa La Luna Sangre?

“Ang alam ko kasi antimano, alam niyang ipu-pull out siya para sa movie na gagawin niya. Sad ako, pero at the same time, nabigyan nila ng (chance) si Direk Richard Arellano. Kababata ko si Richard, nakatrabaho ko rin siya kasi may kinunan sa aking flashback.

“Si Richard kasi anak ni Mama Ida (Arellano), ninang namin sa kasal. Kababata ko si Richard, magkasama kami sa Broadcast City, ‘tapos nag-artista kami, nag-abot kami sa Lovingly Yours ‘tapos nanalo ng Catholic Mass Media Award ‘yung episode naming ‘Bangkang Papel’ and then naging magkaibigan na kami eversince.

“Isa nga siya sa dahilan kung bakit kami ulit nagkita ni Harlene, asawa, siya ‘yung tumawag sa akin kung nasaan sila nagti-taping kaya nagkita kami ulit after more than 12 years.

“Magaling din naman si Richard as a director kasi marami siyang napagdaanang magagaling na director noong bata pa kami, ‘tapos nagsimula siyang commercial director, ‘tapos nabigyan ng chance ng ABS-CBN na maging assistant director.

‘Tapos heto, director na, kumbaga matagal na rin naman niyang ginagawa ito, so nahasa nang husto.”

Ano ang masasabi niya sa gumanap na batang Tristan sa La Luna Sangre?

“Ay, si JJ (Justin James), nakakatuwa ‘yung batang ‘yun. Hindi na kailangang turuan sa acting, magaling, eh. Saka magaling mag-motivate sina Direk Cathy, ang alam ko in-audition nila for this serye. Sana masundan ‘yung show niya, magaling siya,” napangiting kuwento ng aktor.

May bagong offer na TV project kay Romnick, pero ayaw pa niyang pag-usapan kasi inaaral pa niya ang script.