HAMBURG, Germany (AP) — Makalipas ang ilang linggong paghahanda, nakatakdang makipagkita si US President President Donald Trump kay Russian President Vladimir Putin, isang pagpupulong na sasakupin ang imbestigasyon kung tumulong ang Moscow sa kampanya ni Trump para sa presidential election noong nakaraang taon.

Inaasahang pag-uusapan ng dalawang leader ang serye ng problema sa foreign policy, kabilang na ang sa Syria at ang pagkadismaya ng Russia sa Ukraine.

Ngunit ang mas pagtutuunan— parehong sa Washington at sa Moscow—ay kung babanggitin ni Trump ang isyu tungkol sa panghihimasok ng Russia sa eleksiyon.

Bago ang pagpupulong nitong Biyernes, nag-tweet si Trump na hindi na siya makapaghintay, at sinabing, “much to discuss.”

Internasyonal

Susunod na Santo Papa, hindi dapat muna isipin, ayon sa dalawng pari