Ni: Argyll Cyrus B. Geducos at Beth Camia

Nais ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa na palitan ng Philippine Marines ang Special Action Forces (SAF) sa pagbabantay sa New Bilibid Prison (NBP), ipinahayag kahapon ng Malacañang.

Ito ay matapos isiwalat ni Justice Secretary Vitaliano Aguire II na may natanggap siyang ulat tungkol sa pagbabalik ng illegal drug trade sa NBP na kinasasangkutan ng ilang miyembro ng SAF.

Sa press briefing kahapon ng umaga, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na kinausap na ni Dela Rosa si Pangulong Duterte tungkol sa pag-alis sa SAF sa nasabing piitan.

Eleksyon

Bong Go, nanguna sa senatorial survey ng SWS

“Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa has already talked to the President on the deployment of marines to replace SAF personnel in the Bilibid which has put on hold and it was overtaken by events because of the Marawi rebellion,” ani Abella.

Nang tanungin kung pumayag ang Pangulo, sinabi ng opisyal na si Dela Rosa pa rin ang magdedesisyon kung papalitan ang SAF sa NBP.

“That depends on his--that is his call. Dela Rosa’s call,” sambit ni Abella.