Ni NORA CALDERON

MULA sa secretariat ng 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF), nalaman namin na may namumuong problema si Jericho Rosales.

JERICHO copy

“Nakatanggap kami ng tawag mula sa produksiyon ni Paul Soriano, ang Ten17 Productions na nagtatanong kung puwede pa raw mag-submit ng finished film ang grupo nila dahil natapos na nila ang principal photography ng Siargao na tampok si Jericho Rosales.

Trending

Proud mom na ‘umawra, rumampa’ sa graduation ng anak, dinagsa ng tulong!

“P’wede naman, kaya lang, may nauna nang na-approve na movie si Jericho para sa MMFF, ang Almost Is Not Enough na katambal niya si Jennylyn Mercado at ididirek ni Dan Villegas. Kabilang kasi ang movie sa apat na na-approve na ang script para isali sa MMFF 2017 sa December.

“May ruling kasi ang selection committee na isa lang ang official entry ng isang lead actor and director para naman mabigyan ng pagkakataon ang ibang participants at ang iba pang entries.

“Mangyayari lang ito kung hindi matutuloy gawin ni Echo ang movie ni Atty. Joji Alonzo at magba-backout ang production. Doon lang may chance na makapasok ang Siargao sakaling makapasa ito sa selection committee.”

Ganito rin pala ang magiging problema ni Direk Chito Roño na may dalawang entry, ang finished films nang Bagtik at Ghost Bride.