Ni: Argyll Cyrus B. Geducos

Sinabi kahapon ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na maaabot ng Pilipinas ang lahat ng target nito para sa inaasam na kaunlaran.

Sa regular press briefing sa Malacañang kahapon ng umaga, iniulat ni Dominguez na matatag ang pananalapi ng bansa.

“Even at this early stage in our reform effort, you can distinctly hear the tiger roar. We are on the path towards a modern investment-led and trade-driven economy,” aniya.

Eleksyon

VP Sara, nag-eendorso raw para sa impeachment trial—solons

Sinabi rin niya sa itinatakbo ng bansa sa ngayon, hindi malayong bababa ang poverty rate na 21.6 porsiyento ngayong taon sa 14% sa 2022.

Ayon kay Dominguez, mula Hulyo, 2016 hanggang Mayo, 2017, nakalikom ang gobyerno ng P2.09 trilyon sa buwis. Mas mataas ito ng 7% kaysa parehong panahon sa nakaraang taon.

Tumaas din ang gross domestic product (GDP) ng bansa ng 6.68% sa unang tatlong quarter ng administrasyon, mas mabilis kaysa nakalipas na limang administrasyon.

“We expect to grow close to the target of seven percent throughout the year,” aniya.

Sinabi Dominguez na sa unang siyam na buwan ng Duterte administration, ang rates ng Treasury Bills o T-Bills ay naglalaro sa 2%, ang pinakamababa sa lahat ng nakalipas na adminsitrasyon.

Handa rin ang Department of Finance (DoF) na pondohan ang “Build, Build, Build” infrastructure program.

Titiyakin ng programa ang malakas na paglago ng ekonomiya at mas inclusive na growth pattern at malaking pagbawas sa kahirapan pagsapit ng 2022.

“We need the infrastructure and we need to build the infrastructure,” ani Dominguez.

Gayunman, kailangang maipasa ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act para magkatotoo ang pinakaambisyosong infrastructure program ng gobyerno.

Ang nasabing tax system ay magpapatupad ng mas mababang personal income tax rates, mas pinalawak na value added tax (VAT) base, at mas mataas na excise tax sa mga produktong petrolyo at mga sasakyan, at iba pa.

Iginiit ni Dominguez na 83%ng mga Pilipino ang maliligtas sa pagbabayad ng personal income tax na malaking tulong upang mapabuti ang kanilang kita at makatutulong sa paglago ng domestic market.

Ipinaliwanag din ni Dominguez na ang pagtaas ng buwis sa sugar-sweetened drinks ay isang hakbang para mapabuti ang kalusugan ng mamamayan.