Ni: Agence France Presse
PAMUMUNUAN ni Annette Bening ang mga hurado sa Venice International Film Festival ngayong taon, pahayag ng organizers nitong Miyerkules.
“It was time to break with a long list of male presidents and invite a brilliant, talented and inspiring woman to chair our international competition jury,” saad sa pahayag ni Alberto Barbera, ang artistic director ng prestigious festival.
“A sophisticated and instinctive actress, able to portray complex shadings of character, Annette Bening brings to her roles an understatement, a warmth and a natural elegance that makes watching her films a wonderful and ever-enriching experience,” ang pumukaw ng interes ni Barbera sa bituin ng American Beauty at two-time Golden Globe winner.
Nakasaad sa pahayag na si Annette, ang unang babae na mamumuno sa Venice pagkatapos ng French actress na si Catherine Deneuve noong 2006, ay, “honoured to be asked to serve as the president of the jury for this year’s event.
“I look forward to seeing the movies and working with my fellow jury members to celebrate the best of this year’s cinema from all over the world.”
Nanalo si Anette ng Globes noong 2005 para sa Adorable Julia at noong 2011 para sa The Kids Are All Right at mayroong apat na Oscar nominations, kabilang ang best actress noong 2000 para sa American Beauty.
Ang susundan niya bilang pinuno ng Venice jury ay ang British director na si Sam Mendes, na pinarangalan ng Oscar para sa American Beauty.