Ni: Light A. Nolasco

QUEZON, Nueva Ecija - Dalawang hinihinalang drug pusher ang tumimbuwang nang mauwi sa engkuwentro ang buy-bust operation ng pinagsanib na mga operatiba ng Quezon Police Station Drug Enforcement Unit (QPSDEU) at Provincial Special Operations Group (PSOG) ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) sa Barangay San Alejandro sa Quezon, Nueva Ecija, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Senior Supt. Antonio C. Yarra, NEPPO director, dakong 5:00 ng umaga nang isagawa ang operasyon ngunit nakahalata umano ang mga suspek, na ang isa ay nakilalang si Ananias Miranda Bangate, Jr., alyas “Boy Bulak”, 37, ng Bgy. Bantog, Science City of Muñoz, habang hindi pa nakikilala ang kasamahan nito.

Nagpaputok umano ng baril ang suspek at kaagad namang gumanti ang mga pulis na ikinasawi ng mga ito.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakarekober umano sa crime scene ng isang .38 caliber revolver, tatlong sachet ng hinihinalang shabu, mga basyo ng .9mm pistol, at isang homemade grenade.