Ni: Bert De Guzman
Bunga ng matinding kampanya ni Pangulong Rodrigo Dutetre laban sa illegal drugs, mahigit sa 1.3 milyong drug user ang sumuko at sumasailalim sa rehabilitasyon at reintegration para makabalik sa normal na pamumuhay.
Ito ang inilahad ni House Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu, pinuno ng Philippine Delegation, sa kanyang talumpati sa 13th ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) Fact-Finding Committee (AIFOCOM) to Combat the Drug Menace.
Idinagdag niya na P13 bilyong halaga ng shabu at P19 bilyong non-drug evidence ang nasamsam ng pamahalaan.
“From July 1, 2016 to June 13, 2017, the government has dismantled nine clandestine laboratories, confiscated 2,429.09 kilograms of methamphetamine hydrochloride (shabu) with an estimated value of 12.49 billion pesos, and seized P18.40 billion worth of non-drug evidence,” ani Abu.