Ni MERCY LEJARDE

NAKAHINGA ng maluwag si Token Lizares nang pumayag si Al Tantay upang maging ka-love tandem niya sa MTV shoot ng kanyang awiting Till The World Is Gone na composition ni Vehnee Saturno.

“Sobrang bait pala ni Al Tantay,” gulat na gulat na kuwento ni Token. “He’s very cooperative sa MTV shoot namin.

TOKEN AT AL copy

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Walang angal. Walang reklamo. Kaya pala nagtatagal siya sa showbiz. Marunong siyang makisama, marunong makibagay sa lahat.

“Kahit hindi ako kasing-ganda nina Rio Locsin at Stella Suarez, Jr., pinagbigyan niya akong maging ka-love tandem niya sa MTV ko.

“Sana mabigyan din ako ng teleserye project at si Al uli ang maging ka-love tandem k... wish ko lang, sana maulit muli, ha-ha-ha!” wagas at buong kasiyahang papuri ng Charity Diva sa ex-lover nina Rio at Stella Suarez, Jr.

Humanga rin kami sa pagiging professional, cooperative ni Al Tantay kahit honorarium lang ang kanyang talent fee ‘tapos madaling araw pa ang kanyang call time dahil sa Cabuyao, Laguna pa ang location ng shoot ng MTV.

And to think na galing pa siya ng Baguio at bumaba lang ng Manila para sa MTV shoot nila ni Token under the direction of Miggy Miguel Tanchanco, anak ng dating choreographer na si Geleen Eugenio.

“Talagang saludo ako kay Al Tantay. Praise God Jesus Christ in his life. At lalo siyang gumaguwapo habang nagkakaedad, ha.

“Mukha naman siyang clean living. At wala siyang angas talaga kahit ilang anggulo ang kinunan sa aming dalawa ni Direk Miggy. Maganda naman ang kinalabasan ng MTV ng Till The World Is Gone namin. Para talaga kaming pinagtagpo ng tadhana sa mga eksena namin, ha-ha-ha!” masayang pagtatapos ni Charity Diva Token Lizares.