Ni: Jun Fabon

Utas ang hinihinalang shabu queen at kanyang kasintahan makaraang pagbabarilin ng dalawang armado sa Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ni Police Supt. Lito E. Patay ang mga nasawi na sina Analoi Soberrano, alyas Balot, 29, ng No. 119 Fortune Street, Freedom Park 3, Barangay Batasan Hills, at Anthony Mark Cabreros, alyas Agang, 32.

Ayon kay PO2 Jomar Pallado, dead on the spot si Soberrano dahil sa mga tama ng bala sa ulo habang naisugod pa sa ospital si Cabreros ngunit namatay din.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Sa imbestigasiyon ni PO2 Pallado, dakong 8:20 ng gabi kamakalawa, nag-uusap ang magkasintahan, at kaibigan nilang si Francisco, Bohol sa Freedom Park nang sumulpot ang mga suspek.

Makalipas ang ilang sandali, binaril sa ulo si Soberrano at isinunod si Cabreros.

Sinabi pa ni PO2 Pallado, ayon sa mga taga-Fortune St., kilalang tulak ng ilegal na droga si Soberrano.

“Wala sa listahan ng drug watch list si alyas Bato, subalit kilala siyang shabu queen sa lugar,” ani PO2 Pallado.