Ni: Mary Ann Santiago

Dinampot ang isang lalaki na naaktuhan ng mga pulis na ipinagmamalaki ang hawak umano nitong shabu sa Paco, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Isinelda at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Micheal Mucsin, 40, ng 2078 BF Muñoz Street, Paco.

Sa imbestigasyon ng tanggapan ni Manila Police District (MPD)-Station 5 commander Police Supt. Emerey Abating, inaresto ang suspek sa Muñoz St., bandang 2:30 ng hapon.

National

Batikang journalist binaril sa loob ng bahay sa Aklan, patay!

Napag-alaman na nagpapatrulya ang mga tauhan ng Anti-Crime Unit ng MPD-Station 5, at namataan ang suspek na ipinagyayabang sa kanyang kaibigan ang bitbit na plastic ng umano’y shabu.

Hindi naman nag-aksaya ng oras ang awtoridad at inaresto ang suspek habang mabilis namang tumakbo ang kaibigan nito.