ALJUR copy copy

Ni: Reggee Bonoan

MARAMING nakakita kay Aljur Abrenica sa ABS-CBN noong Biyernes ng gabi at dumiretso sa Star Cinema office.

Sabi ng nakakita, nag-go-see raw ang aktor pero hindi naman nabanggit sa amin kung para sa anong show at kung saang unit.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Ang bait ni Aljur,” kuwento ng source namin, “maraming nagpa-picture sa kanya at pinagbibigyan niya lahat. Nakangiti siya parati.”

Hindi namin personal na kilala si Aljur, pero alam nga namin na mabait siya at mahiyain.

Anyway, kapag nalaman namin kung para sa anong show sa Dos siya nag-go-see, ibabalita namin agad dito sa Balita.