ni Nitz Miralles

BAGO magsimulang mag-taping para sa Ika-6 Na Utos, nanood muna si Angelika dela Cruz at ang mister nito ng taping ng number one daytime show. Habang nanonood, na-realize niya na kaya gusto ng tao ang show dahil jologs. Hindi lang daw masyadong pansin ang kajologan ng show dahil sosyal ang treatment ni Direk Laurice Guillen.

  

Angelika dela Cruz
Angelika dela Cruz
“May halong English lang ang dialogue at sa sosyal na lugar nag-aaway sina Emma (Sunshine Dizon) at Georgia (Ryza Cenon). Nag-i-English din ang ibang cast, pero jologs ang show, kaya gusto ng tao.”

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

  

Hindi nagsisi si Angelika na tapusin ang pagha-hibernate at tanggapin ang role ni Geneva dahil enjoy siya sa pagiging kontrabida. Masaya rin sa set  at kahit drama ang show, magaan ang trabaho at maagang natatapos ang taping.

  

Samantala, hindi lang pumayat si Angelika sa pagiging vegan, naging normal din ang blood sugar niya at hindi na siya acidic. Magpa-five months na siyang hindi kumakain ng meat at hindi niya nami-miss ang lasa ng karne.

  

Sinilip nga namin ang baon niya sa taping, quinoa rice na puro gulay ang toppings. Sanay na siya at hindi na naghahanap ng meat at ibang nakasanayan niyang pagkain dati.