Ni NITZ MIRALLES

HALA, sumali na ang ina ni JM de Guzman sa isyung nag-overlap ang relasyon ni Luis Manzano kina Angel Locsin at Jessy Mendiola. Nag-deny na si Luis at sinabing break na sila ni Angel nang magsimula silang lumabas ni Jessy, hanggang ligawan niya ito at maging sila.

JESSY AT LUIS copy copy

Kahit may sinabi nang petsa si Luis at nabanggit nitong, “Hindi porke’t we chose to talk about our relationship at a later time means may overlapping:) January pa lang I was single na:).”

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“We are never under obligation to reveal everything about our personal lives nor do we adjust to anyone else’s time table,” patuloy ni Luis.

Nabanggit din nitong hindi lang sila ang couple na nag-deny sa industriya.

“Yup, nahiya nga ako bigla sa dami ng hindi umamin or nag-deny sa industriya hehehe, parang first time nangyari.”

Kaso umentra sa eksena ang mother ni JM at sa Facebook, may post itong pinagre-reakan ng netizens na obvious na si Jessy ang pinatutungkulan.

“Chusera kayo pa rin ni jm e nag date na kayo ni luis sa London alam ko yan wg ako echusin mo, nanay ako ni jm.”

Sinundan ito ng, “Salamat po, di ko lang mapigilan nararamdaman ko sa sobrang kaplastikan ng babaeng yan.”

Ang huling post sa isyu, “Kasama ko si jm umiiyak sa show habang papunta kami ng davao tapos nagsumbong pa yan ng eksena nila sa eroplano with Enrique e di sira mood ng anak ko tpos ngayon, todo deny sila wala sila naapakan just saying.”

Hinihintay at inaabangan na ang reaction ni Luis sa post na ito ng mother ni JM. O, baka pati si Jessy mag-react dahil para naman sa kanya ang post na ito