Ni JIMI ESCALA

ISANG kaibigan na dati naming boardmate sa Cataluna St., Morayta, Manila na kasalukuyang empleyado ng city hall ng Lipa, Batangas ang nagbalita sa amin na hindi lang isang beses niyang namataan sa isang beach resort sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban.

ANGELICA AT JOHN LLOYD copy

Kaya ang agad niyang tanong amin, kung totoo nga bang nagkabalikan na ang dalawa. Pero mas updated pa siya sa isyu kaysa sa amin dahil base raw sa nakikita niya, walang dudang magkarelasyon na ulit ang dalawang Kapamilya stars.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sabi pa ng source, sa pagkakaalam daw niya ay mismong si John Lloyd ang bagong may-ari ng isang beach resort sa Batangas na matagal-tagal ding napabayaan ng dating may-ari.

“Walang dudang nagkabalikan sina John Lloyd Cruz at Angelica. Very sweet ang dalawa nang makita namin na bumaba sa sasakyan nila at papasok sa bagong tayong bahay sa beach na ‘yun na wala pang pangalan,” sey ng source namin.

Wala pa ring pormal na pag-amin sina John Lloyd at Angelica, pero kung pagbabasehan ang mga kuwento ngayon tungkol sa dalawa, walang duda ngang nanumbalik ang dating matamis nilang pagtitinginan.

Kuwento naman ng isang taga-ABS CBN sa amin, si Angelica ang “special guest” sa birthday celebration ni Lloydie kamakailan.

Pero bukod kay Angelica, dumalo rin sa exclusive birthday party ni Lloydie si Maja Salvador at si Bea Alonzo.