NGAYONG nalalapit na ang pagtatapos ng GMA Afternoon Prime series ni Janine Gutierrez naLegally Blind, marami ang nakapansin sa kahusayan ng co-star niya na si Marc Abaya na gumaganap na rapist ng karakter niyang si Grace. Pero kilig pala ang na-feel ni Janine noong bata pa siya towards Marc. Kasi naman pala, childhood crush niya ito.
“Crush ko si Marc noong bata pa ako,” sabi ni Janine. “Sinabi ko sa kanya agad noong una kaming nag-workshop. Sabi ko, ‘Marc, sorry pero kailangan kong aminin sa ‘yo. Sobrang crush talaga kita dati noong grade school pa ako.’”
Nabanggit din ni Janine ang naging reaksiyon ni Marc sa confession niyang ito. Pagtatapos niya, “Medyo natawa siya.
Siguro nagulat siya. Sabi niya, ‘Okay na sana pero grade school?’”
Kaloka si girl!