Ni: Bella Gamotea

Nagpatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Phoenix Petroleum Philippines Inc., kahapon ng umaga.

Sa abiso ng Phoenix Petroleum, epektibo dakong 6:00 ng umaga kahapon, Hunyo 26, ay nagtapyas ito ng 40 sentimos sa kada litro ng gasolina, 25 sentimos sa diesel at 15 sentimos naman sa kerosene.

Ngayong Martes ng 12:01 ng madaling araw magbabawas ang Flying V ng 35 sentimos sa kada litro ng gasolina at 20 sentimos sa diesel at kerosene.

National

VP Sara sa mababang boto ng Alyansa senatorial bets: ‘It's because of the President!’

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kaparehong bawas-presyo sa petrolyo na ipinatupad ng Phoenix Petroleum at Flying V.

Ang bagong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan, kasunod ng huling rollback nitong Hunyo 20.