Ni: Orly L. Barcala

Arestado ang isa umanong holdaper na nambiktima sa isang taxi driver sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Sa panayam kay Police Supt. Rey Medina, deputy chief of police for operation, kasong robbery holdup ang kinakaharap ni Jonathan Llemos, 36, binata, ng Block 10, Lot 13 Aces Code, Barangay Ugong ng nasabing lungsod.

Ayon sa biktimang si Maximo Ricohermoso, 53, ng Marikina City, driver ng EMP transport, sumakay si Llemos sa kanyang taxi (PRL-113) sa Cubao, Quezon City at nagpahatid sa Valenzuela City, dakong 1:00 ng madaling araw.

National

Rep. Paolo Duterte, ‘negatibo’ sa hair follicle drug test

“Siyempre pasahero kaya inihatid naman ng victim ‘yung suspek, ang hindi niya alam (si Ricohermoso), holdaper pala ang kanyang naisakay,” ani Medina.

Ayon pa kay Medina, pagsapit sa B. Juan Street, Bgy. Ugong, nagdeklara ng holdup ang suspek at tinutukan ng patalim ang biktima, at tuluyang kinuha ang P820 kita ng huli.

Bumaba mula sa taxi at tumakas Llemos habang dumiretso si Ricohermoso sa Police Community Precinct (PCP) 8, at mabilis na rumesponde at inaresto ang suspek.

Nabawi kay Llemos ang pera ni Ricohermoso.