Ni: Mary Ann Santiago
Isang malalim na saksak sa tiyan ang natamo ng isang lalaki mula sa kanyang biyenan sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni PO3 Ruel Hernandez, ng Manila Police District (MPD)-Station 7, ang biktima na si Jayson Abenales, janitor, ng 783 Int. 18 Guizon Street sa Tondo, na kasalukuyang nagpapagaling sa Ospital ng Tondo.
Tinutugis naman ang suspek na si Jaime Dalusong, nasa hustong gulang, ng J. Planas St., Tondo.
Base sa imbestigasyon, dakong 12:50 ng madaling araw pinasok ni Dalusong ang kuwarto ng kanyang anak at manugang at nagsisigaw ng, “p******na mo, Son! Masaya ka na? Tingnan mo ang ginawa sa akin ng nanay mo, gusto mo saksakin kita nitong hawak ko?!”
Hanggang sa sinugod ng saksak ang biktima.
Sinasabing matagal nang may alitan sa pagitan ng nanay ni Abenales at ni Dalusong at posible umanong ito ang motibo ng huli sa pananaksak.