Ni: Marivic Awitan

MAGTUTUOS ngayon ang reigning UAAP champion at defending Premier Cup champion De La Salle University at NCAA titlist San Beda College sa winner-take all championship ng 2017 Fil-Oil Flying V Premier Cup sa Fil -Oil Flying V Center sa San Juan City.

Ganap na 4:00 ngayong hapon ang salpukan ng dalawang koponan matapos ang laban para sa third place sa pagitan ng Lyceum of the Philippines at Jose Rizal University ganap na 2:00 ng hapon.

Naitakda ang tinaguriang “Battle of Champions “ nang kapwa manaig sa kani -kanilang knockout semifinals matches ang dalawang koponan, ang Green Archers kontra Lyceum of the Philippine University Pirates 100-99, at ang San Beda Red Lions, laban sa Jose Rizal University, 80-69.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Samantala, maghaharap sa kampeonato ng juniors division ang Ateneo at Mapua ganap na 11:00 ng umaga pagkatapos ng battle for third sa pagitan ng University of Santo Tomas at ng National University.