Ni: Mary Ann Santiago

Sabay-sabay bumulagta ang tatlong tricycle driver nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa isang terminal sa Barangay Bagumbayan, Teresa, Rizal kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Arnold Marquez ng Blue House, Bgy. Dalig; Ariel Mendoza ng Maugat, Bgy. Maybancal, sa Morong; at Richard Marasigan ng Marketing Sitio Canlibot.

Sa ulat ng Teresa Municipal Police Station, sumulpot sa nasabing terminal ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek na lulan sa motorsiklo, dakong 7:45 ng gabi.

Bumaba mula sa motorsiklo ang nakaangkas na suspek at pinaulanan ng bala ang mga biktima na pawang nag-aabang ng pasahero.

Probinsya

Pagtatayo ng 'foreign military facilities,’ 'di welcome sa Davao City

Dead on the spot sina Marquez at Mendoza habang naisugod pa sa ospital si Marasigan ngunit nasawi rin.

Patuloy ang paggulong ng imbestigasyon.