maria copy copy

NEWPORT BEACH, Calif. (AP) — Balik sa Tour si Russian superstar Maria Sharapova sa kanyang pagsabak sa dalawang World Team tournament sa Hulyo.

Nagbalik aksiyon si Sharapova sa WTA Tour matapos ang 15 buwang suspensiyon bunsod ng droga. Nakalaro siya sa tatlong torneo sa bisa ng wild card, ngunit ipinasyang magpahinga sa Wimbledon qualifying bunsod ng injury sa kaliwang hita.

Sasabak si Sharapova sa Orange County Breakers — ang team play na nilaruan niya sa loob ng pitong taon – sa Hulyo 16-24, gayundin sa hard court tournament sa Stanford, California sa Hulyo 31.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kasalukuyang ranked 179th ang five-time major champion.