Ni REGGEE BONOAN

KUWENTO ng common friend namin ng aktor na mahilig gumawa ng sariling isyu, nag-iisip na naman daw ito kung anong puwedeng pag-usapan tungkol sa kanya.

Bakit kailangang laging may isyu?

“Ano ba? Siyempre para hindi siya nawawala sa news. Doon kasi bina-base na sikat pa, pinag-uusapan sa social media, sa news, ganern. Para makuha ang attention ng advertisers o ng owners ng produkto para maging endorser. Ikaw naman, para kang bago nang bago sa showbiz. Negative or positive write-ups, publicity pa rin ‘yun,” sagot sa amin.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sikat naman siya, sabi namin, hindi ba siya kuntento?

“May mga project siya in the future at kailangan ng promo, so need ng isyu na totoo naman, hindi kuwentong kutsero,” katwiran sa amin.

Napa-ngek na lang kami, dahil katwiran ito na hindi namin binibili.

Anyway, mukhang effective naman ang mga gimik ng aktor dahil kapag may isyu ay napag-uusapan talaga siya at in fairness, hindi nga halatang planado o gimik. ‘Yun nga lang, alam siyempre ng mga taong malapit sa kanya na gimikero siya, ha-ha-ha. Hayan, alam ko na rin, kalurky!

Kaya kapag may bagong isyu na namang pag-uusapan sa aktor, tatanungin namin ang common friend namin kung iyon na ang naisip nitong panibagong gimik.