Ni: Orly L. Barcala

Patay na nang matagpuan ang magkasintahan na pinagbabaril ng apat na hindi pa nakikilalang suspek sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang magkasintahan na sina Liziel Nemit, 16, at John Mark Barganez, 25, ng Market 3, Barangay Bangkulasi ng nasabing lungsod.

Ayon sa mga residente, nakarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril na nagmula sa tabing dagat sa Market 3, dakong 2:00 ng madaling araw.

National

Pinoy sawa na sa politika, disappointed sa serbisyo ng gobyerno!—PBBM

Sa pagnanais na malaman ang nangyari, sinilip ng mga residente ang pinagmulan ng putok at nasilayan ang apat na armado na sakay sa dalawang motorsiklo at bumulaga ang bangkay ng mga biktima.

Sa imbestigasyon, lumalabas na pinasok ng mga suspek ang bahay ni Barganez at tiyempong naroroon ang dalagita at kapwa kinaladkad sa pampang at doon pinagbabaril.

Wala sa drug watch list ang mga biktima, gayunman, tatlong pakete ng umano’y shabu at isang improvised gun ang nakuha sa kanila.