Ni: Bella Gamotea

Magpapatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V at Petron, ngayong Martes.

Sa abiso ni Julius M. Segovia ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw ngayong Hunyo 20 ay magtatapyas ito ng 70 sentimos sa kada litro ng gasolina, 15 sentimos sa kerosene, at 10 sentimos naman sa diesel.

Hindi naman nagpahuli ang Petron, na nagpatupad ng kaparehong bawas-presyo sa gasolina, kerosene at diesel bandang 6:00 ng umaga ngayong araw.

Eleksyon

35 lugar sa PH, nakaranas ng 'dangerous heat index' ngayong eleksyon

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kahalintulad na bawas-presyo sa petrolyo, na bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Hunyo 13 nang nagbawas ang oil companies, sa pangunguna ng Flying V, Shell at Petron, ng P1.20 sa presyo ng kada litro ng kerosene, 95 sentimos sa diesel at 80 sentimos naman sa gasolina.