Ni REGGEE BONOAN

“HINDI busy si Rayver (Cruz) kaya may panahon siyang manligaw.”

Ito ang running, joke ng mga nakahuntahan naming kakilala ang actor/dancer.

Inamin na kasi ni Rayver na nanliligaw na siya kay Janine Gutierrez at lumalabas na sila. Noong una ay itinatanggi pa ito ng actor/dancer, magkaibigan lang daw sila at parehong busy.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Rayver copy

Pero panay na ang labas nila at dumalo pa ang binata sa family event ng mga Gutierrez para sa restaurant ng ina ni Janine na si Lotlot de Leon sa BF Homes, Parañaque kaya hindi maipakakaila na ipinakikilala ni Rayver ang sarili sa partido ng dalaga.

Kaya siguro nagkakabiruan na hindi na busy si Rayver.

Ano nga ba ang show ngayon ng actor/dancer sa ABS-CBN? Wala siyang regular show dahil sa ASAP ay twice a month lang siya napapanood, mabuti na lang parati siyang naisasama sa TFC Kapamilya shows sa ibang bansa kaya nagkakaraket siya maski papaano.

Hmmm, bakit nga ba hindi nabibigyan ng teleserye ang binata, marunong namang umarte, guwapo naman, may abs kaya puwedeng-puwede siya sa mga sexy serye at higit sa lahat, hindi siya pasaway sa set o may nakakaaway na staff sa produksiyon tulad ng ibang nababalitaan namin na hindi marunong makihalubilo sa co-actors bukod pa sa loyal si Rayver sa ABS-CBN.

Anyway, naniniwala kami na may tamang panahon para kay Rayver, need lang siguro ng push at push at push ng Star Magic na namamahala sa career niya.