Ni: Nitz Miralles

PAMAMANHIKAN na pala ang nakita naming photos sa social media account ni Ai-Ai delas Alas na kuha nang magpunta sa bahay niya ang parents at ilang family member ng fiancé niyang si Gerald Sibayan.

Ang sabi lang ni Ai-Ai, “Meet the parents day” pero give away ang hashtag na #balae #manugang.”

May picture na kasama ni Ai-Ai ang kanyang ina at anak na si Sancho at si Gerald naman ay kasama ang mga magulang at may lawyers pa. Ang caption ni Ai-Ai sa picture na ito, “Family picture with our lawyers... GOD IS GREAT AMEN.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dahil kasama ang kani-kanilang lawyers sa nangyaring pamamanhikan noong June 16, ang dating sa IG followers/fans ni Ai-Ai ay may prenuptial agreement sila ni Gerald.

Wala pang binabanggit na petsa ng kasal sina Ai-Ai at Gerald, pero ang nabanggit niya sa presscon ng hit movie niyang Our Mighty Yaya, baka this year na sila pakasal ni Gerald at hindi na next year na una nilang balak.