TELEFANTASYA man o makatotohanang soap opera, ang GMA Telebabad ay patuloy sa paghahatid ng makapigil-hininga at kaabang-abang na mga kuwento at mga bida’t kontrabida na hindi mabitaw-bitawan ng mga manonood.

Mula sa imaginative at plot-driven na Mulawin vs Ravena, tungo sa out-of-this-world na kilig hatid ng My Love From The Star, hanggang sa endearing at relatable characters ng Meant To Be, walang duda na kinasanayan nang tumutok ng Kapuso viewers sa GMA Telebabad.

GIL AT JENNYLYN copy copy

Ang suspense, drama at action ang kinasasabikang panoorin gabi-gabi sa Mulawin vs Ravena.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

Walang makakapigil kay Gabriel (Dennis Trillo) sa paghahanap sa sugo at anak nina Alwina (Heart Evangelista) at Aguiluz na si Almiro (Derrick Monasterio). Magtagumpay kaya siya sa kanyang misyon na pagpatay kay Almiro?

Si Dominic Zapata at si Don Michael Perez ang mga direktor na nasa likod ng kamangha-manghang seryeng ito.

Ayaw ring bitiwan gabi-gabi ng mga manonood ang local adaptation ng GMA Network sa acclaimed Korean series na My Love From The Star.

Ang trahedya ni Rachel Andrada (Rhian Ramos) ay gumimbal sa industriya. Matuklasan kaya ng mga pulis ang katotohanan sa likod ng kamatayan ni Rachel? Nagpakamatay nga ba siya o pinatay? At ngayong si Steffi (Jennylyn Mercado) ang sinisisi sa kamatayan ng kanyang karibal, makabawi pa kaya ang career niya at mapatunayan ang kainosentihan? Sa lahat ng mga nangyayari, laging nakasuporta sa kanya si Matteo (Gil Cuerva). Bagamat tila walang pakialam, unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Matteo kay Steffi at pinoprotektahan ito laban sa mga taong nagbabalak ng masama sa dalaga.

Sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal, ang My Love From The Star ay patuloy na kinahuhumalingan ng viewers ang kakaibang love story ng dalawng magkaibang nilalang — isang alien at isang tao.

Samantala, sino ang magiging ultimate na ka-meant to be ni Billie (Barbie Forteza)?

Anim na buwan na laging pinasasabik ang viewers ng Meant To Be at pinanghuhula kung sino ang lucky guy na sa wakas ay ibubunyag na sa finale ng serye sa Biyernes, June 23. Si Jai Patel (Addy Raj) ba ito, ang naughty turned lovable guy mula Mumbai; Ethan Spencer-Hughes (Ivan Dorschner), the gentleman from United Kingdom; Yuan Lee (Ken Chan) na Chinoy Bad Boy; o si Andoy dela Cruz (Jak Roberto) na punong Pinoy Promdi? Pero sinuman ang piliin ni Billie, nagkasundu-sundo ang boys na hindi masisira ang kanilang pagkakaibigan kung mananatili pang matatag at buo.

Ang top-rating primetime series ay mahusay na pinamamahalaan ni Direk LA Madridejos.

Huwag palampasin ang nakakaintrigang primetime shows ng GMA Telebabad simula Mulawin vs Ravena, My Love From The Star, hanggang Meant To Be, weeknights pagkatapos ng 24 Oras on GMA-7.