Ni: Lyka Manalo

BATANGAS CITY - Naaresto ng mga barangay tanod ang tatlong kabataang lalaki matapos umanong looban ang isang eskuwelahan at nakawin ang may 53 kalapati sa Batangas City.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek na nasa edad 15-18.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 2:00 ng umaga nitong Linggo nang pasukin umano ng mga suspek ang Julian A. Pastor Memorial Elementary School sa Barangay Cuta at tinangay ang mga kalapati ng paaralan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito