Ni: Bella Gamotea

Patay ang dalawang pedestrian makaraang mabundol ng rumaragasang van sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.

Dead on arrival sa San Juan De Dios Hospital ang hindi pa nakikilalang mga biktima na inilarawang nasa edad 30-35, katamtaman ang pangangatawan, ang isa ay nakasuot ng asul na polo shirt at brown short pants habang puting T-shirt at maong pants naman ang isa pa.

Sa inisyal na ulat ng Parañaque City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente sa madilim na bahagi ng northbound lane ng Roxas Boulevard, Barangay Baclaran, dakong 3:30 ng madaling araw.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tumatawid ang mga biktima sa lugar at hindi napansin ang rumaragasang van, hindi naplakahan, at sila ay nabundol.

Sa halip na huminto ang driver ng van at dalhin sa pagamutan ang mga biktima, humarurot ito sa hindi batid na direksiyon.

Narekober sa pinangyarihan ang bumper ng van na tanda ng malakas na pagkakabangga ng sasakyan sa mga biktima.