Ni: Rizaldy Comanda

BILANG suporta sa Department of Tourism sa ilalim ng proyektong Island Philippines Fun Caravans at sa nalalapit na selebrasyon ng 28th Philippine Travel Mart exhibition sa Setyembre 1-3, ang Philippine Tour Operators Association (PHILTOA) ay nagsagawa ng Southern Tagalog Kulinarya Caravan noong Mayo 31 hanggang Hunyo 2, na nilahukan ng 15 international and local tour operators; 9 na consumers; mga DOT personnel sa pangunguna ni DOT Usec Alma Rita Jimenez at Region IV-A Director Rebecca Labit ; 7 media at mga opisyales ng Philtoa.

“Ginawa namin ang caravan na ito para ipakita sa ating mga delegado na ang promosyon sa turismo ay hindi lamang mga heritage sites, kundi ang promosyon sa kulinarya,upang lalo pang maengganyo ang mga turista at maisama nila sa kanilang mga tour packages,” pahayag ni Philtoa President Cesar Cruz.

group1

Trending

'Vets are also doctors!' Beterinaryo 'minaliit' daw ng isang doktor, umani ng reaksiyon

Aniya, ang Southern Tagalog caravan ay isinagawa para maibsan ang nagaganap na tourist crisis ngayon sa bansa dulot ng kaguluhan sa Mindanao. “Mainam na may mga proyekto tayo gaya nito, para makatulong sa mga travel agencies, lalung-lalo na sa ating bansa sa larangan ng turismo.” 

Mga historical heritage site, kultura at tradisyon, at native foods ang iprinisinta sa mga delegado ng bawat bayan o siyudad na pinuntahan na kinabibilangan ng San Pablo City, Pila, Victoria, Nagcarlan, Liliw at Majayjay sa lalawigan ng Laguna; Lucban, Tayabas, Siriaya sa lalawigan ng Quezon at San Juan, Batangas.

Ang San Pablo, na kilalang City of Seven Lakes, ay nagpatikim ng kanilang Seven Lakes breakfast na kinabibilangan ng Pinaete (hipon na iniluto sa kakang-gata), dried biya galing Laguna de Bay, itlog na maalat, longganisa, tsokolate at pinipig at pantapik choices.

Ipinatikim naman ng Pila ang kanilang ipinagmamalaking Sinukmani, ginataang hipon at puto pila, mga katutubong pagkain na kabilang na inihanda sa tanghalian, na sa unang pagkakataon ay naranasan ng mga delegado ang tradisyunal na “boddle fight”.

Organic foods na mga gulay, karne at tilapia naman ang natikman sa Costales Nature Farm sa Majayjay. Nag-harvest at nag-cooking demo ang mga delegado ng kani-kanilang recipe, na tinawag na “Farm-to-Table” cooking challenge.

Iprinisinta rin ng Lucban ang kanilang OTOP na longganisa at pansit habhab, samantalang lambanog naman ang isinalubong ng mga opisyales sa Sariaya at masayang Baklasan festival simulation. Ang PHILTOA ay magsasagawa ng pito pang caravan, ang Cordillera Heritage Caravan, The Visayan Charms (Bohol-Cebu-Boracay), Southern Tagalog Kulinarya, The CARAGA Eco-Trail, Rediscover Batanes, Northern Palawan at Bicol Express.

[gallery ids="249888,249887,249886,249885,249881,249880,249882,249883,249884,249889"]