Ni: Danny J. Estacio
Isang 27-anyos na ginang ang pinatay sa taga ng kanyang selosong mister sa hinalang mayroon siyang kalaguyo, bago nagtangkang magpakamatay ang suspek sa Barangay Imok sa Calauan, Laguna nitong Biyernes ng tanghali.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Ailene O. Tapay, habang naka-confine naman sa ospital ang asawa niyang si Erwin Tapay, 29, obrero, makaraang tangkaing gilitan ang sarili gamit ang isang 14-pulgadang bolo.
Ayon sa mga ulat, bandang 12:35 ng tanghali nang rumesponde sina SPO1 Jerome Gumangan at PO2 Aurelio Buencillo sa insidente ng pananaga ng mister sa kanyang asawa.
Kaagad namang nadakip nina PO2 Michael Salvador at PO2 Arnel Abanto ang suspek at mabilis na isinugod sa ospital sa Bay para gamutin ang gilit sa leeg.