LIZA (FB image) copy copy

Ni ADOR SALUTA

KASUNOD ng pahayag ng Star Cinema kay Liza Soberano bilang bagong gaganap na Darna, hot topic din ngayon ng followers ng dalaga ang magiging costume ng Pinay superhero.

Ayon sa direktor ng bagong Darna movie na si Erik Matti, may malaking pagbabago din na dapat abangan sa kasuotan ni Darna.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Ando’n pa din ang mga iconic preferences, but we’re trying to bring Darna to the modern contemporary setting and we want Darna to be progressive and gusto namin na hindi lang siya basta costume lang. Gusto namin medyo functional din na hindi lang magdadala ng kagandahan ni Liza,” sey ng mabusisi at premyadong direktor.

Pero naging matipid sa pagbibigay ng detalye si Direk Erik kung sino ang kanilang napiling designer para sa iconic costume.

“I’ve been tagged on my social media accounts of new designed Darna costumes and a lot of them really look awesome.

Magaganda ang idea about it and we’ve probably worked on maybe 15 types of costume for Darna. And of course we are trying to come up with the fitting that’s best for Liza,” aniya.

Bukod sa detalye ng costume, nilinaw din ni Direk Erik na hanggang sa ngayon ay wala pa silang napipiling gumanap bilang kontrabida ni Darna.

“We have some casting ideas in mind but we’ve never confirmed anyone.”

Dumipensa rin ang direktor sa mga negatibong komento na nagsasabing malamya ang dalaga para sa role ni Darna.

“I’ve seen her moves and she’s young. Alam mo naman ang mga bata ngayon pursigido and I’m sure she’s going to nail it,” pagtatapos ni Direk Matti.