Ni: Leandro Alborote
CONCEPCION, Tarlac - Sa P2,746 na halaga ng grocery items, naaresto ang isang Manilenya sa pang-uumit umano sa isang convenience store sa gasolinahan sa SCTEX sa Barangay San Francisco, Concepcion, Tarlac, nitong Biyernes ng hapon.
Kinilala ni PO2 Manuel Aguilar, Jr. ang suspek na si Maria Libay, 57, ng Sta. Ana, Manila, at nakuha umano mula rito ang 16 na chocolate bar na aabot sa halagang P1,168, tatlong luncheon meat, P480; tatlong corned beef, P618.00; at apat na body spray perfume na aabot naman sa P480.