Ni: JIMI ESCALA
PORMAL nang ipinakilala ni Jessy Mendiola si Luis Manzano sa kanyang ama, kaya kumakalat ngayon ang balitang namanhikan na raw ang aktor sa pamilya ng una. Tumawa lang si Luis nang tanungin namin hinggil dito.
Para sa kanila lang daw muna ‘yun ni Jessy.
Pero ikinuwento ni Luis na apat na taon nang hindi nagkikita sina Jessy at ama nito, at nang ipinakilala siya ay kung anu-ano ang pangungulit na ginawa niya sa kanyang future father-in-law.
So, wala pala siyang problema sa foreigner father ni Jessy at tanggap nito ang relasyon nila?
“Well, okey naman. Basta masaya rin siyang kasama. Sobrang okey nga siya, eh,”sey ni Luis.
Na-miss daw nang husto ni Jessy ang ama kaya hinayaan niyang mag-bonding nang husto ang dalawa. Katunayan, parang date nga raw iyon ng mag-ama at chaperon lang siya.
May mga ikinuwento pa si Luis hinggil sa takbo ng relasyon nila ni Jessy pero ipinakiusap ng actor/TV host na pang-amin lang daw muna ‘yun.
Samantala, hindi pa naipapakilala ni Luis sa pamilya niya ang mga magulang ni Jessy.