CONSTANCE AT KRIS copy

Ni: Nitz Miralles

MAY ipinost na picture ng crown si Kris Aquino sa Instagram na may nakasulat na, “Within each of us is a princess...” na sinundan ng caption na “Wear your crown with grace and dignity.”

Sabi ng mga nakakita at nakabasa, clue na ito sa role niya sa Crazy Rich Asians. Ang mga nakabasa na ng libro ni Kevin Kwan, alam nang ang Sultana ng Brunei ang ginagampanang role ni Kris sa pelikula. Maikli ang participation ni Kris sa libro, pero baka pahabain sa movie adaptation dahil sa kuwento ni Kris, two days na siyang nagsu-shoot at hindi pa nakakabalik ng Manila.

Human-Interest

Jeep pandagat na naimbento ng mekaniko, nagpamangha sa netizens

May bagong ipinost na picture si Kris kasama uli si Constance Wu, at may caption na, “Happy to be with @constancewu.”

Mukhang magiging magkaibigan ang dalawa kahit matapos na ang pelikula. Sabi ng marami, para na raw silang kambal dahil malaki ang hawig nila sa isa’t isa.

Dagdag na kuwento ni Kris, “ Ibang level ng exhaustion & omg UNBELIEVABLE how beautiful their production design & the equipment.”

Nakakalungkot lang ang ilang kababayan natin na sa halip na matuwa sa achievement ni Kris, kung anu-ano pang bad comments ang sinasabi. Pero anuman ang pamba-bash na gawin nila, hindi nila mababago ang katotohanan na kasama siya sa Hollywood movie na hindi nila magagawa.