Gil Cuerva copy copy

ISANG out-of-this-world kilig experience ang naghihintay sa mga Kapusong Ilonggo ngayong Sabado (June 17) dahil dadalhin ng GMA Regional TV sa City of Love ang mga bida ng My Love From The Star (MLFTS) na sina Gil Cuerva at Migo Adecer; kasama ang lead stars ng upcoming Kapuso drama series na Haplos na sina Sanya Lopez at Rocco Nacino.

Full-force ang Kapuso artists para sa fun-filled Kapuso Mall Show na gaganapin sa Festive Walk, Iloilo Business Park simula alas singko ng hapon.

Marami na ang humahanga sa karisma ng bagong Kapuso heartthrob na si Gil na gumaganap bilang alien na si Matteo Domingo sa My Love From The Star at leading man ni Jennylyn Mercado na gumaganap naman bilang si Steffi Chavez, isang sikat na aktres.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Makakasama ni Gil sa Iloilo ang kanyang co-star at Starstruck 6 Ultimate Male Survivor na si Migo, ang gumaganap na kapatid ni Steffi na si Yuan sa MLFTS.

Dapat ding abangan ang pagbisita ng Encantadia love team na DanQuil o sina Sanya at Rocco. Excited na ang dalawa ibahagi sa kanilang fans ang kanilang upcoming project sa GMA Afternoon Prime na Haplos.