pba copy

Ni: Marivic Awitan

Laro Ngayon

(MOA Arena)

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

7 n.g. – SMB vs Star

TATAPUSIN na o may Game 5 pa?

Katanungan na mabibigyan ng kasagutan ngayon sa muling pagtutuos ng sister squads San Miguel Beermen at Star Hotshots sa Game 4 ng kanilang best-of-5 semifinals series para sa 2017 OPPO-PBA Commissioners Cup sa MOA Arena.

Taglay ang 2-1 bentahe sa serye, pagkaraang ipanalo ang Games 2 at 3, tatangkain ng Beermen na tapusin ang laban sa pagtutuos nila ganap na 7:00 ng gabi.

Ngunit, sa tinatakbo ng serye kung saan sa dakong huli na lamang nagkakatalo, hindi pa rin nakakatiyak ang Beermen na matatapos na ang duwelo.