Ni: Lyka Manalo
NASUGBU, Batangas – Hindi marahil nakayanan ng isang 73-anyos na ama ang pagdurusa ng anak na may sakit kaya mas minabuti nitong magpakamatay sa Nasugbu, Batangas.
Ayon sa report ng Batangas Police Provincical Office (BPPO), dakong 12:15 ng hapon nitong Miyerkules nang matagpuan si Francisco Mayari, magsasaka, at residente ng Barangay Banilad, Nasugbu, na nakabitin sa puno ng mangga.
Nabatid na tinamaan ng depresyon ang matanda dahil sa labis na pag-aalala sa anak na may cancer, bukod pa sa hindi makayanan ang gastos sa pagpapagamot dito.