Ni: Leandro Alborote

TARLAC CITY - Nawa’y magsilbing leksiyon sa isang babae ang pagkakadakip sa kanya matapos siyang ireklamo ng umano’y siniraan niya sa social media sa Tarlac City.

Kalaboso ang 21-anyos na si Maricris Aberin, ng Cabuac 2nd, Barangay Tibagan, Tarlac City.

Sa report ni SPO1 Lunar Loanzon kay Tarlac City Police chief Supt. Bayani Razalan, nanira umano ng reputasyon, karangalan at pagkatao si Aberin ng isang hindi kinilalang tao, sa pag-aakala marahil ng suspek na hindi siya makakasuhan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Gayunman, pormal na nagsampa ng kasong online libel sa Tarlac Regional Trial Court ang biktima at kaagad

na naipalabas ang isang arrest warrant, habang nagkakahalaga naman ng P10,000 ang piyansang kailangang bayaran ni Aberin para pansamantalang makalaya.