GEN. NATIVIDAD, Nueva Ecija - Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang 25-anyos na binata na nagtangkang lumaban sa mga pulis na tumutugis sa kanya nitong Linggo ng hapon sa R.I.P. Village sa Barangay Platero, General Natividad, Nueva Ecija.

Sa ulat ni Senior Insp. Ronnie Caagbay, OIC ng Gen. Natividad Police, nakilala ang nasawi na si Michael Calimlim Pallarca, residente sa nasabing lugar na itinuturong sangkot sa panghoholdap sa Majan Palay Buying Station sa Bgy. Calaocan, San Jose City, nitong Sabado ng umaga.

Sa pamamagitan ng police rogue gallery, positibong itinuro si Pallarca ng mga biktimang sina Melchor Laureta Sineneng, 30, ng Bgy. Sibut; at Ms. Cherry Majan dela Cruz, 39, may-ari ng palay buying station na natangayan ng P10,000 cash at iPhone na nagkakahalaga ng P40,000. (Light A. Nolasco)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog