May 21, 2026

Home BALITA Probinsya

Lalaking naglinis sa monumento ni Manuel Quezon, dinamitan pati rebulto!

Lalaking naglinis sa monumento ni Manuel Quezon, dinamitan pati rebulto!
Photo courtesy: SCREENGRAB FROM LGU REAL (FB)

‘GIVE-AWAY’ SA DATING PANGULO?

Humarap kay Real Mayor Julie Ann Macasaet ang lalaking naglagay ng damit sa monumento ng dating pangulong Manuel L. Quezon sa probinsya ng Quezon.

Sa video na ibinahagi ng alkalde sa kaniyang opisyal na Facebook account noong Huwebes, Abril 17, 2026, mapapanood ang pag-uusap niya at ng lakaking naglinis at naglagay ng damit sa rebulto ni Quezon sa kanilang bayan.

Mapapanood din sa video ang pulang t-shirt na isinuot ng lalaki sa rebulto ng dating Pangulo matapos umano siyang maglinis sa lugar, saad pa niya, nais pa raw niyang taniman ng mga rosas ang palibot ng bantayog.

Samantala, pinagsabihan naman ng alkalde ang lalaki at iginiit na labag sa batas ang ginawa niyang pagbibihis sa monumento.

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!

“Puwede kang maglinis doon, pero hindi mo siya pwedeng damitan. Puwede mo siyang punusan, puwede mo siyang linisin,” saad ni Macalintal.

Dagdag pa niya, “Tayo po ay may batas dito na bawal nating dungusin, [kahit na] hindi man n'ya dinungisan pero kaniyang dinamitan pero ito po ay hindi pa rin po maganda. Dahil ito po ay parte ng ating pagkakakilanlan. Ito po ay mayroong historical value.”

Nagpaliwanag naman ang lalaki at inaming nilinis niya ang paligid ng rebulto ni Quezon at naisipan daw talaga niyang damitan ang naturang monumento gamit ang kaniya mismong damit para gawing “give-away” na lang sa dating Pangulo.

Sa huli, nagkasundo naman ang lalaki at ang alkalde na hindi na raw maaari pang maulit ang nasabing insidente.