CAMP MACABULOS, Tarlac City - Umatake na naman ang mga kilabot na kawatan ng sasabungin at tinangay nitong Lunes ng gabi ang 21 manok mula sa Marangloy Farm sa Sitio Binunducan, Barangay Sapang Maragul, Tarlac City.

Sa report ni SPO1 Eduardo Hipolito, nagkakahalaga ng mahigit P105,000 ang mga sasabunging ninakaw mula kay Jhong Espinosa, 51, negosyante, ng Sitio Bungil sa nasabing barangay.

Batay sa follow-up investigation, apat na lalaki ang pumasok sa farm na hindi namalayan ng mga natutulog noong caretaker sa farm na sina Dexter David, 37; at Dexter Antonio, 25 anyos. (Leandro Alborote)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog