Hinatulan ng pagkakakulong ang matandang mag-asawa mula sa United Kingdom matapos mapatunayang guilty o nagkasala sa reklamong "racial attack" laban sa isang Filipina health worker.
Ayon sa ulat ng international news outlet, kulong sa loob ng walong linggo ang mag-asawang sina Michael Bairstow at Fyona Bairstow, edad 77 at 72, matapos mag-viral ang video ng pagmumura, panlilibak, at pananakit nila kay Apple Moorhouse sa isang parke.
Si Moorhouse ay nurse na nagtatrabaho sa National Health Service.
Ayon pa sa ulat, bukod sa pagkakapiit, inutusan pa ng korte ang mag-asawa na magbayad ng tig-£175 o humigit-kumulang ₱14,097 kay Apple bilang kabayaran.
Naganap ang insidente sa Manor Heath Park noong nakaraang Agosto 2025. Sinasabing kasama noon ni Apple ang kaniyang mga anak na edad 11 at 6, pati ang kaniyang mga magulang, nang sabihan niya ang lalaking Briton na itali ang aso nito matapos tahulan ang kaniyang bunsong anak.
Dahil dito, nagalit ang mag-asawa kay Apple at pinagsisigawan na siya. Nilait din nila ang kaniyang pinagmulang lahi.
Ayon kay Apple, sinigawan daw siya ni Michael ng, “Shut up… go back to where you came from,” habang si Fyona naman ay pinagtawanan ang kaniyang ama at sinabing hindi ito marunong mag-English.
Tinawag din umano nitong “slavery” ang trabaho ni Moorhouse bilang healthcare worker.
Lalo pang lumala ang gulo nang utusan umano ni Michael ang kaniyang aso na sugurin si Apple bago binuhusan ito ng tubig mula sa painuman ng aso.
Habang papalayo si Apple, hinila naman umano ni Fyona ang kaniyang buhok at sinabunutan.
Ayon sa abogado ng mag-asawa na si Raza Hussain, umamin ang dalawa sa kasong racist assault at nagsisisi umano sa kanilang ginamit na mapanlait na salita.
Para naman kay Apple, isa itong malinaw na halimbawang hindi pinalalagpas ang racism at dapat managot sa batas lalo na kung may kasamang pananakit.
Nagpahayag si Apple ng kaniyang kasiyahan sa Facebook post niya noong Abril 16 matapos makamit ang inaasam na hustisya.
"I'm not sure how I should feel, but I hope this will send a clear message to everyone that racism is a crime and cannot be ignored," aniya.
Photo courtesy: Apple Moorhouse (FB)
Sa isa pang Facebook post, sinabi ni Apple na sa wakas daw, makakatulog na siya nang maluwag at makakapag-move on na, matapos ang mga pinagdaanan.
"It has been a rough week, and it just sank in what has happened. After 8 months, I can now finally close this chapter and move on to the next one. I know some of you have been saying they should have gotten longer, but for me, this is more than enough. I didn't want nor wish for them to go to jail, but it wasn't my decision to make. I respect the court's decision and the legal process that has led us here. Please don't wish for them to get hurt; instead, pray for them that they will have peace of mind, and I hope they are doing well inside," aniya.
"From the bottom of my heart, thank you all for your support, for all your lovely messages, and for believing in me. I appreciate you all; you stayed with me from the start until the end. While no outcome can undo the harm caused, but I hope that this will reinforce the importance of respect and equality for all."
"Time to heal and move on to the next chapter."
"Please be kind; it's free," aniya pa.
Photo courtesy: Screenshot from Apple Moorhouse (FB)