MAINE copy

NAKABALIK na si Maine Mendoza last Saturday afternoon, pero patuloy na pinagpipistahan ang posts niya sa limang araw niyang bakasyon sa Maldives sa kanyang Instagram account na @mainedcm. Kaya naman si Alden Richards ang biniro ng Dabarkads sa Eat Bulaga noong Sabado, bago bumalik ng bansa si Maine. Ano raw ang comment ni Alden sa mga unang posts na ni-like niya?

“Bossing, Ma’am Allan, ginalingan niya talaga, pinaghandaan niya,” sagot ni Alden. “Asparagus at air diet lamang siya.”

Kaya sabi ni Jose Manalo, kaya raw pala hindi kumakain sa barangay si Maine dahil may pinaghahandaan.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Kita naman talaga kung gaano ka-sexy si Maine sa shots niya, kaya maraming fans na gusto siyang ilaban sa 2017 FHM 100 Sexiest in the World. Sa ngayon, ang unofficial tally ay nasa number 10 spot na si Maine. Pero ang tanong, payag kaya si Maine na isali siya sa contest dahil siya sa sarili niya, ayaw niya, sabi nga niya, mahilig lamang siya talagang mag-beach, kaya nga sa blog niya, muli raw siyang babalik sa Maldives dahil talagang nagustuhan niya roon pero mag-iipon daw muna siya ulit. At marami rin sa AlDub Nation ang ayaw na sumali siya, based sa mga IG post at tweets nila, sapat na sa kanila na nasa top 10 si Maine.

Samantala, sinagot ni Maine ang tanong sa kanya kung bakit siya nag-deactivate ng kanyang Twitter account na @mainedcm bago siya pumunta ng Maldives: “For the record, it was never about the ‘baddies.’ Bashers are there 24/7 since the very beginning and I honestly do not mind about them. It’s just lately, some of the fans are the ones to start and engage in conflict; until things start getting blown out of proportion. It’s gotten to the point where fans are quarrelling with fans too, and not with bashers anymore. Like I have said, Twitter used to be a harmonious environment to all of us, remember the bayanihan days? Kalyeserye days? Pre-tamang panahon? Tamang Panahon? I know things have changed but I hope we get to perpetuate the harmony among each of us.”

Nilagyan pa ni Maine ng emoji na heart ang pagtatapos niya ng sagot sa tanong.

Back to work nga agad si Maine pagkadating niya mula sa Maldives. From the airport, diretso na siya sa World Trade Center at doon na sila nag-meet ni Alden, dahil sila ang nag-host ng Mitsubishi 100th Year Anniversary Expo, kasama host/actor na si Ramon Bautista. Sina Maine at Alden ang endorsers ng isa sa top brand ng kotse na ginagawa ng company. Nagbigay din sila ng safety tips on driving at nagpa-raffle ng isang kotse sa mga lucky customers na dumalo.

Nagkaroon din ng chance ang mga fans para ma-greet ang dalawa dahil one week din nilang hindi nakitang magkasama sina Alden at Maine sa Eat Bulaga at muli nilang nakita ang kulitan ng dalawa on stage. (NORA CALDERON)