MANAOAG, Pangasinan – Dalawang magkasunod na insidente ng pagpapakamatay ang naitala kahapon ng pulisya sa Manaoag at Urdaneta City.
Sa nakalap na impormasyon ng Pangasinan police, ang mga nagpatiwakal ay sina Lyndon Samson, 36, ng Zone 7, Barangay Babasit, Manaoag, at Pedro Cabiles, 82, ng Bgy. Casantaan, Urdaneta.
Natagpuan ang naaagnas na bangkay ni Samson sa kanyang kuwarto, Linggo ng umaga. Siya ay pinaniniwalaang nagbigti.
Nagbaril naman umano sa sarili si Cabiles.
Ayon sa pulisya, lumabas ng bahay si Cabiles, bitbit ang isang baril, at nagtungo sa isang puno.
Doon natagpuan ang kanyang bangkay. (Liezle Basa Iñigo)