Ni ADOR SALUTA

HALOS labing-isang taon na ang nakalilipas nang huling magkasama sina Piolo Pascual at Judy Ann Santos sa pelikulang Don’t Give Up On Us (2006). Kaya tiyak na matutuwa ang solid Piolo-Juday fans sa ideya ng Star Cinema na pagsamahin muli ang dalawa para sa kanilang reunion movie.

Judy Ann Santos at Piolo Pascual.
Judy Ann Santos at Piolo Pascual.
Sa panayam kay Judy Ann sa Sun Life Financial event last week, nagpahaging ang aktres na maaari silang gumawa uli ng pelikula ni Piolo anytime soon.

“Napag-uusapan pero marami pang mga bagay na siyempre pag-uusapan, plantsahin, kasi ang tagal na naming hindi nagpelikula tapos kailangan maayos ‘yung pelikula hindi lang pucho-pucho lang dahil ang daming naghintay,” bungad ni Judy Ann.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pauna ng actress, ang team na gagawa ng reunion movie nila ay kailangang sumulat ng well-crafted story first bago siya mag-commit sa balik-tambalan nila ni Piolo.

“It is going to be a big project if ever it happens and we want it to be very beautiful kasi sayang naman ‘yung ‘pinaghintay ng mga tao kung hindi siya i-effort-an and siyempre kailangan ‘yung kuwento sakto sa current kung ano ‘yung mga nangyayari sa mga tao at hindi lang sa amin at saka siyempre ‘yung very memorable. It should be something worth waiting for,” paliwanag ni Juday.

Nakitang masayang nag-uusap ang dalawa sa Sun Life event at isa itong senyales na all’s well between the two na dumaan din sa mga intriga noon.

“Okay naman, kailangan lang kami mag-usap. Ito kasi ang daming hanash, eh. Okay naman kami, we’re okay as friends pero you know before you start a movie you want to start with a clean slate, kung ano ‘yung mga nangyari before, maraming dapat plantsahin,” paglilinaw ni Juday.