Barbie and four boys copy

NAKABALIK na ng bansa nitong nakaraang Huwebes ang buong cast ng Meant To Be pagkatapos ng limang araw na taping sa Singapore.

Nag-enjoy kahit work ang dahilan ng pagpunta roon nina Barbie Forteza, ang four leading men niyang sina Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner at Addy Raz, pati na sina Manilyn Reynes, Keempee de Leon, at Sef Cadayona. Last three weeks na lamang ng primetime romantic-comedy series na idinidirihe ni LA Madridejos pero hanggang ngayon ay hindi pa alam ng production kung sino ang makakatuluyan ni Billie (Barbie) sa huli.

Kaya ang naisip ng production, ipabahala sa fans ang pagdedesisyon kung sino ang gusto nilang makatambal ni Barbie among her four leading men.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Active naman kasi ang bawat team ng fans na walang ibang kailangang gagawin kundi bumoto online. Nagsimula na noong Linggo, June 4, ang pagboto ng fans at magtatapos ito sa Linggo, June 18, 2017, at 11:59PM, Puwedeng bumoto ng ten times ang bawat account daily. Bisitahin lamang ang website na www.gmanetwork.com/MTBvote para makaboto.

Sino kaya ang magiging mapalad kina Ken Chan as Luan, Jak Roberto as Andoy, Ivan Dorschner as Ethan at Addy Raz as Jai?

Kaya sa last week ng romcom, iti-tape nila ang grand finale nito. Sa ngayon, napapanood gabi-gabi ang Meant To Be after ng My Love From The Star. (Nora Calderon)