ALICIA, Isabela – Isang lalaki ang napatay habang apat na magkakamag-anak ang nasugatan nang magpaulan ng bala ang isang retiradong sundalo ng Philippine Army sa Purok Rose, Barangay Linglingay sa Alicia, Isabela.

Kinilala ni Chief Insp. Darwin Urani, hepe ng Alicia, ang nasawi na si Arvin Tayan, habang nasugatan naman sina Arthur Tayan , Arjay Tayan, Brehida Tayan, at Frichie Lakar, pawang taga-Purok Rose, Bgy. Linglingay, Alicia.

Pinagbabaril umano ni Jesus Abat, 53, retiradong Army, ang pamilya ni Brehida makaraang isumbong umano ng huli sa misis ni Abat na may ibang babae ito.

Kaagad na naisugod sa ospital ang mga biktima, habang nakatakas naman si Abat. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City